Journey Never Ends

Blogger Tips and TricksLatest Tips And TricksBlogger Tricks

Linggo, Disyembre 28, 2014

Maikling Kwento =P





TUNGO SA PINTO NG LIWANAG



Si Jacob ay labing-pitong taong gulang.  Siya ay may taas na 5’5”, at medyo payat na pangangatawan.  Maitim ang kanyang buhok at singkit ang kanyang mga mata.  Maputi ang kanyang kumpleksyon.  Ang kanyang mahinahon na aura ang siyang lalong nagpapatingkad ng kanyang hitsura.







Sa likod ng kanyang maaliwalas na mukha ay may nakatagong karamdaman.  Karamdamang nagpapahina ng kanyang buong katawan, na ‘di naman niya iniinda.  Lingid sa kaalaman ng iba, siya ay may sakit sa puso dala ng madalas na kalungkutan na dulot ng mapait na nakaraan. 

Sa kabila ng kanyang lumulubhang karamdaman ay ‘di niya itinigil ang kanyang pag-aaral.  Si Jacob ay kasalukuyang nag-aaral sa unibersidad ng lugar ng San Roque kung saan siya lumaki.  Bilang mag-aaral, siya ang tipong gusto halos lahat ng oras na mapag-isa.  Wala naman siyang nakakahawang sakit, hindi naman siya mabaho, at lalong hindi sira ang kanyang pag-iisip.  Katunayan ay isa siya sa mga estudyante ng kanilang paaralan na nangunguna sa talino’t karunungan.  Bagama’t gusto niyang makisalamuha sa iba ay mas nais niyang mapag-isa sapagkat dulot nito ay wagas na katahimikan, at mas mabuti’t malinaw na kaisipan na siguradong makakamtan kung wala masyadong distraksyon.  Oo, para kay Jacob, ang pakikihalubilo sa iba ay pawang distraksyon lamang sa malinaw na pag-iisip, lalo na pag ‘di matino ang pag-uusapan.

Anupanga’t dahil dito ay siya ang madalas na laman ng usapan at katuwaan ng ibang estudyante.  Binu-bully siya ng mga ito, ika nga.  Kung minsan, pag siya’y naglalakad sa pasilyo pagkalabas ng klasrum ay may bumabato sa kanya ng babol gam.  Malagkit ito.  Wala siyang planong nguyain ito ulit, obvious na fresh pa iyon galing sa bunganga ng iba.  Dumikit iyon sa kanyang buhok, at siya’y pinagtawanan ng mga nakakita.  ‘Di na man niya ito pinansin.  Inisip na lang niya na kung mag-rereact siya na naaapektuhan siya ay mas lalo siyang ibu-bully.  Nung isang araw din ay hayagan siyang sinuntok sa mukha ng isang babae.  “Huwag mo na akong i-tekst bastos ka!  Manyak!”, sigaw na sabi ng dalaga na nanggagalaiti sa galit.  Hindi siya kilala ni Jacob, at mas lalong hindi niya hilig ang makipag-tekst meyt. ‘Di kalayuan ay makikita ang isang grupo ng kalalakihan, kasing-edad ni Jacob, na nag-uusap sabay ng mangiyak-ngiyak na tawanan.  Anupa’t siya ay napahiya na naman sa harap ng ibang tao na nakakita sa pangyayari.  Ang mga ito’y nagbubulungan.  Ang iba’y pasimpleng nagtatawanan.  Ang iba’y nakaramdam ng awa.







Dumaan ang ilan pang mga segundo at huwaring “nag-slow mo” ang kanyang mundo.  Nang dahil sa hiya, nanlabo ang kanyang paningin.  Nanlamig ang kanyang dating mainit na mukha na para bang aktwal na binuhusan ng napakalamig na tubig.  Pilit niya itong nilabanan, at palayong tumakbo ng mabilis.  Singbilis ng isang usa na nais makatakas mula sa mabangis na tigreng handang magpira-piraso sa kanya ng buhay.  Wala siyang magawa kundi ang umiyak.  Humagulgol.  Gusto niyang pigilan ngunit ito’y bumaha na lang basta sa kanyang pisngi.  Sa puntong iyon ay gusto niya naman na mapag-isa.  Walang tigil ang kanyang paghakbang. 

Sa labas ng paaralan ay napatingin siya sa isang karatula, “Naniniwala ka ba sa Diyos?”, ang mga salitang nakasulat dito.  At biglang napatigil ang pagtulo ng kanyang luha.  Siya’y nakaramdam ng sakit at matinding kalungkutan.  Ito’y para bang dumaloy na lang basta sa kanyang buong katawan.  Gusto niyang matigil na ang lahat ng sakit ngunit huwaring may tumutusok na alaala sa kanyang puso.  Magkahalong mapait at matamis na alaala na sabay tumitibok ng kanyang puso’t pilit na nagbibigay ng kanyang nakaraan sa kanyang isipan.  Naaalala niya ang kanyang buong pamilya nung siya ay labing-limang taong gulang pa.  

Noon ay masaya silang nagkukwentuhan.  Ang kanyang mga kapatid na babae, ang isa ay labing-walong taong gulang, at ang isa’y limang taong gulang, ay masayang naglalampungan.  Ang kanyang ama’t ina ay abot tenga ang mga ngiti habang pinagmamasdan ang kanilang mga anak na ika nila’y mga biyaya ng langit.  Si Jacob ay walang dudang masaya rin.  Kasiyahan na ‘di mapapantayan ng kahit na anong materyal na bagay sa buong sanlibutan.

Sa araw din iyon ay nagplano ang buong pamilya na magbakasyon sa bahay na kinalakihan ng kanilang ama (Sapagkat sa panahong iyon ay walang pasok—Christmas break).  Plano nilang doon manatili ang buong pamilya ng dalawang linggo.

Sa kasunod na mga araw, bago ang bakasyon, ay nagkaroon ng handaan sa kanilang bahay.  Kaarawan iyon ni Jacob, Disyembre 23 sa taong 2022.  Bising-bisi ang pamilya na magsilbi’t makisalamuha sa kanilang mga bisita.  Para kay Jacob, punong-puno ang araw na iyon ng panghabang-buhay na galak sapagkat sa araw din iyon ay nalaman niya na si Hesus, ang Mesiyas at bugtong Anak ng buhay na Maykapal, ay maaari niyang tanggapin na kanyang personal na Diyos at Tagapagligtas.  Noon ay ibang klaseng saya ang kanyang naramdaman.  Kasiyahang ‘di pa niya nararanasan sa tanang buhay niya.  Alam niya na magiging ganap ang kanyang pagkatao kung may Hesu Kristong maninirahan sa kanyang kaloob-looban— sa kanyang puso.

Matapos ang ‘di malilimutang kaarawan ay dumating na rin ang araw ng kanilang biyahe.  Nang dahil na rin sa nakaraang selebrasyon ay nakaligtaang maghanda ng maaga ng pamilya para sa lugar na pupuntahan.  “Bilis, dapat na nating isaayos ang lahat ng kailangang dalhin”, masiglang wika ng nakatatandang kapatid ni Jacob.   “Pagkarating agad dun ay maghahanda tayo ng maraming-maraming pagkain para sa Noche Buena!”, patuloy na sabi niya.  “Opo ate.  Maghahanda na po (sabay hikab)”, antok naman na tugon ni Jacob. Excited din siya pero medyo matamlay nga lang dahil ‘di siya nakatulog ng maaga dulot ng napakagandang handaan sa kanyang kaarawan.

Ang buong pamilya ay mabilisang naghanda para sa inaasam na biyahe.  Si Jacob ay naghanda rin ng kanyang dadalhin.  Ipinasok niya ang kanyang kamera sa kanyang bagahe.  Mahilig manguha ng litrato si Jacob.  Ito’y para bang talentong dumadaloy ng parang dugong nagbibigay buhay sa kanyang medyo payat na pangangatawan.  “Kung wala ito ay mawawalan ako ng sigla.  Iiyak ang araw noh pag ‘di ako nakakakuha ng litrato”, malambing na bigkas ni Jacob sa kanyang mga maalalahaning magulang.

Libangan din ni Jacob ang pagpipinta ng mga scenic na kapaligiran.  Plano niyang gumuhit ng magandang imahe ng lumulubog na kulay dugo’t dilaw na araw na nagbibigay kinang sa malaking lawa na nakaupo malapit sa bahay-bakasyunan na kanilang titirhan. 

Hindi nagtagal ay natapos din ang kanilang paghahanda.

Hindi maitago ng buong pamilya ang excitement at saya habang sakay ng kanilang dyip na gamit nila sa biyahe.  Nakataas ang dalawang kamay ni Jacob at ng kanyang mga kapatid sabay sigaw ng “wuhhhooo!!!”  sa umiihip na malakas na hangin.  Ang kanilang mga magulang ay sadyang masaya at natutuwa sa mga ito.  Mabilis ang takbo ng kanilang sasakyan, at naging mabilis din ang mga sumunod na pangyayari. 








Sa isang saglit ay ‘di na maramdaman ng kanilang ama ang preno ng kanilang sasakyan.  Pilit niyang tinitigil ang mabilis na pag-usad ng rumaragasang dyip, ngunit 'di niya ito magawa.  Hanggang sa bumangga na lang ang sasakyan sa metal na hadlang sa gilid ng matarik na daan na kanilang tinahak.  Nahulog ang kanilang sasakyan.  Kasama nito ang kanilang buong pamilya. 

Sa ibaba ng pinangyarihan, makikita ang mga nakakaawang sitwasyon ng pamilya.  Nalupasay silang lahat, huwaring wala nang buhay.  Sa loob ng tumirik na dyip ay makikitang naipit ang paa ng kanyang ina at ang leeg nito sa ilalim ng upuan ng sasakyan.  Ang ama’y natapon sa labas ng dyip, maging si Jacob at ang kanyang mga kapatid.  Ang lahat ay duguan sa ulo at ibang parte ng katawan.

Ang lahat ng pamilya, maliban kay Jacob, ay nagsimulang magkamalay.  “Saklolo!  Tulungan nyo po kami!!” agad na pilit isinigaw ng sugatang si Jacob.  “Parang awa nyo na po.  Tulungan nyo po kami!”, patuloy na daing ng umiiyak na binata.

Ilang minuto pa’t may dumaan na kotse.  Nagkataong  napatigil ito nang dahil sa nakitang mga bagay na natapon sa daan.  Nakita rin ng estrangherong drayber na nasira ang isang parte ng metal na hadlang sa tabing daan kung kaya’t tumigil ito at nagmasid.  Sa ibaba ay nakita niya ang nahulog na sasakyan, at ang mga naaksidente.   Umalingawngaw ang nakakaawang sigaw ni Jacob kung kaya’t madali niya itong nakita.  Duguan sa ulo’t bali ang kaliwang braso ng nalupasay na binata.  Agad kinuha ng butihing estranghero si Jacob at ang kanyang maliit na kapatid na nakadapa malapit sa kanya.  Ilang hakbang pa sa lugar ng aksidente ay napatapon silang ulit.  Hindi inaasahang sumabog ang sasakyang dyip na lulan ng kanilang pamilya.  Hindi maipinta ang reaksyon ni Jacob.  Hindi niya matanto ang mga pangyayari.  Hindi siya makapaniwala.  Isip niya’y tila panaginip lang ang lahat.  Napakasamang panaginip— bangungot!  Gusto niyang magising.

 Humagulgol na lumayo si Jacob sa lugar na iyon.  Dinala ng estranghero sa ospital sina Jacob at ang kaniyang maliit na kapatid; ang kanyang maliit na kapatid na nung araw din iyon ay pumanaw bago pa man makarating sa lugar-pagamutan.  Sadyang napakalupit ng tadhana kay Jacob.  Noong una ay ‘di niya lubos maisip ang buhay na wala ang kanyang buong pamilya.  Ngayon ay hampas mukhang nilalasap niya ang sakit nang pagkawala nilang lahat.  Sa isang iglap ay nawala ang kanyang mga minamahal higit pa sa kanyang sariling buhay.

“Naniniwala ka ba sa Diyos?”, ang babasahing kanyang nakita pagkalabas ng paaralan.  Ang kanyang sagot?  Oo.  Naniniwala si Jacob na may Diyos.  Diyos na buhay na nagmamahal sa kanya ng lubos.  Sa kabila ng mga nangyari sa kanya ay hindi siya nawalan ng pag-asa.  SIYA, ang nagsilbing lakas niya na lumaban pa sa buhay.

Sa ‘di inaasahang pagkakataon ay namasdan ni Jacob muli ang kanyang buong pamilya.  Hindi siya makapaniwala.  Kinurot niya ang kanyang pisngi upang malaman kung iyon nga ba’y isang panaginip lamang o hindi.  Pilit niyang nililinis ang kanyang mga mata ngunit ganun pa rin.  Totoo.  Totoo ang lahat! 







Nung una akala niya’y pinaglalaruan lamang siya ng kanyang mga pandama (senses), ngunit ‘di pala.  Napaiyak si Jacob na napayakap sa kanyang buong pamilya.  Ang kanyang ama, ina at mga nagagandahang kapatid, ay ‘di mandin mailarawan ang saya na makita siya.  At sila ay nagkuwentuhan, gaya ng dati.   May ngiti ang kanilang mga labi, gayundin ang kanilang mga mata.  At mula sa lugar na kanilang kinatatayuan ay sabay nilang tinahak ang daan tungo sa malaking pinto ng liwanag.  Tungo sa lugar na napakalayo, lugar na napakasaya.  Lugar na wala anumang sakit na madarama.  Lugar, na ang tawag ay Langit.




















































Lunes, Disyembre 22, 2014

...



DARE to DREAM



  • A nurtured dream soars in the sky
  • Rides the wind and reaches high
  • Even higher than eagles could fly
  • Fear not, though huge storms are nigh.


  • A nurtured dream is precious and rare
  • Others give up, if dream swirls in the air
  • Oh it may, but persist and dare!
  • Far, it seems, but you'll soon get there..


  • Painstakingly endure the flight with all your might
  • With wings of faith in GOD shines bright.
  • TRUST, even in life's darkest night
  • Brave the odds, and win the fight!



Biyernes, Setyembre 5, 2014









Mark Question



Why in the world there is bias?
Big city, small town, foreign country, own land!
Why in the world there is bias?
A new sort of need, or just something grand?


Why is thine eyes stretched to canthi like demon?
Out of crowned head, with uncombed judgment, thine tongue hisses.
Hisses with pride -- A snake acting like a lion!
Overstep bounds you do. You favor oh Bias, like no other.


You let the wicked beam in innocence.
Unholy glee, you hear.  Bullies and disrespect, you cheer.
Alas!  With tear dripped off the nose of one who sins,
You voice out.  Act out.  The truth, you miss out.


Grab the steering wheel.  "Turn left, turn right!"
You control.  You're second best.
Pretender! You overpower than one with might.
Rumor, you believe.  You settle with it, and rest ...


Why in the world there is bias?
Big city, small town, foreign country, own land.
Why in the world there is bias?
Heaven's ears open, when you meet one, DO.  NOT.  ASK.








Linggo, Agosto 31, 2014






Someday,,  you'll see..

I'll emerge victor over my demons.

I will rise steadily.

I will sail out of your reach!

Someday,, you'll see..







Lunes, Agosto 11, 2014

IPR Workshop (A Mash-up Story)

ROMEO



          Romeo is a 20-year old boy.  He is ambitious, that's how his neighbors call him. Too ambitious, at times, that he often finds himself daydreaming.  But never did he stop on achieving his dreams, and believing in himself.

          He has a wife.  She is pregnant for 9 months.  Romeo loves her.  So much that he does everything for her, to feed her and their child-to-be.

          One day, Romeo is stuck in thought of where he wants to be when he was 10.  He dreams his whole family lives in a place where no man ever lived  the outer space.  He knows someday, he can do that with his invention his scientific mind has been busy with for many years.  While lost in thoughts, his wife is crowning.

          Romeo is inflicted.  He is caught between choosing to follow his dream, or his current duty to his wife. It is a choice that determines where his priorities lie.  His wife will give birth to their first child, will prove all her strength in labor.  While here he is, still overwhelmed by his inflicted thoughts.  He knew right there and then he could not afford to chase his dreams.  He has to do what he must!

          At once he brings his wife to the hospital.  He helps the nurses and doctors rush his already-laboring wife, on a stretcher, to the delivery room.  As soon as they reach the room, he is forced to stay outside.  He can see the pain painted all over his wife's face.  In mind, he asks himself how big the skull of the fetus is.  He can't help but think of it!  Yes, even in such life-or-death case (lols). It takes to have 8 to 10 centimeters of opening for the fetus to be born.

          His anxiety grows as seconds turn into minutes, and minutes into hours.  He thinks of so much this time his mind seems to explode!

          Outside the delivery room, he is shaking.  He finds it hard to recover from the adrenaline rush.  It's as if an 8.0 magnitude earthquake is confined right exactly to where he stands.  He is
severely worried. He calls gods as many as he can recall. He calls saints, angels, fairies, dwarfs, white ladies! Name it. Lucky not for him his tranquilizer was left at home.  He panics. The only thing that keeps him calm, at least a bit, is his trust to his wife.

          "Are you the husband of Magdalena?",  a voice emerged out of nowhere.  Romeo is even more startled!  "Hey hey, I'm here, r-i-g-h-t here. (Clears her throat) I am the doctor..."  She introduced herself.  Romeo is astonished!  The doctor defines the word petite.  So short. The doctor has dwarfism. A burst of laughter is about to exit from Romeo's mouth.  "Hello... Are you OK?!"  the doctor blurts out in a high-pitched voice.  He suppressed his outburst of cackle. Romeo nodded.  The delivery is successful.

          At that very second, he could feel his chest burst with relief. He could not wait to see his wife. He could not anymore wait to see his first child...

          His heart constantly trips hard in his lean chest.  Upon seeing his family; his wife, his son, love flickers in his eyes..  His tear rolls down his cheek like raindrop – A tear of untainted joy!

          A few hours go past, a man barges-in to the room.  So angry!  He is claiming that the child is his, and not Romeo's.  Upon hearing that, Romeo is tongue-tied.  He does not know what to say.  He is also angry. So angry that he punches the guy right to his lying face.  He managed to do it despite his gaunt and bony physique.  He loves his wife so much that he could not believe of what the guy said!

          The knocked-out guy was forced to exit the room by the guards.  At once, Romeo confronted his wife.  He asks about the man's words.  Still weak from the delivery, she confesses.  Neither of the two is the father.  Romeo is mad!  How could she lie to him?!  She confessed that the father of the child is the twin brother of Romeo..

          Romeo is stunned!  His eyes dim with tears.  His heart breaks.  Not paying her further heed, he left her with no head turned.  Words of her tongue are like poison.  It sucks his strength from its very core.  He can't dare listen any longer.

          He dashes out of the room.  His heart bleeds without a halt.

          All the happy thoughts he spent with his wife start to haunt him as he exits.  They were so happy.  One day, love filled the air, warmed them in winter days of their lives.  Now, it's all gone! Tears drip off his nose.  All he can do is cry the hardest he can!

          He finds it hard to move on.  He cannot do it quickly.  Anyone with a broken heart knows the feeling.  But he does his best to forget.  He does not want to lose altitude also in his dream.  Despite the pain pulsing through him,  he went on with it.

          With no second thought, he rides in his invention.  Takes a flight, and bravely pushes the red button of journey to nowhere...

          Just within a few minutes, he reaches the outer space-- his new Home.  A place where he can live his life anew.  Using his brilliant invention, he continues to live up to this day.  He watches anyone on earth who reads his story.





      



                                                                                     ---END---